aDORKable

Ang EMO

Posted by: eunice on: October 9, 2008

Alam mo ba yung “emo”? Usong uso ngayon ang emo. Emo na music, emo pumorma, pati amoy emo na.

Madali mong malalaman na emo ang isang tao kapag mahilig sya sa kulay itim-mula ulo hanggang paa,itim. Mahilig magsuot ng dorky glasses kahit hindi naman malabo ang mata. One sided ang buhok at natatakpan ang mata. Madalas ding may nakapasak na earphone sa tenga. Yung mga marunong magdala e maayos sa paningin pero yung hindi maayos magdala ng porma na pang-emo, e napakabaho pag tinignan mo. Parang di naliligo.

Marami sa kabataan ngayon ang nag-i-emo-emohan. O sadyang emotero’t emotera talaga.

Marami sa kanila ang nagsasabing emo daw sila kahit hindi nila alam ang ibig sabihin ng salitang yon. Ang alam lang nila, isang uri genre yun ng musika na ang pagkakakaalam ko e hindi naman dapat talaga. Hindi ko na ipapaliwanag dito kase masyadong magiging mahaba.

Maraming kabataan na nuknukan ang pagkasiraulo dahil para masabi lang na ‘emo’ nga sila e nagpapakalulong sa mga music na may pagka emo kahit hindi naman nila naiintindihan ang lyrics ng kinakanta ng singer o bandang kumakanta ng pinapakinggan nila. At marami din ang proud na proud at pinangangalandakan ang mga larawan ng mga braso nilang puno ng hiwa, gawa ng paglalaslas. Marami kang makikitang ganon sa friendster. Ginagawa nila yun para masabing ‘emo’ nga sila. Para masabing cool sila. Hahahaha.

Napakalaking katarantaduhan ang mga pinaggagagawa ng mga taong ito sa sarili nila. Naglalaslas,nagtatangkang magpakamatay para lang masabing emo sila. Samantalang mayrong mga taong gumagastos ng milyon milyon, madugtungan lang ang buhay nila. At meron ding gumagastos,mawala lang ang mga marka ng sugat  sa katawan nila.

Oo na sige na emo ka na. Hindi mo na kailangan maglaslas o kung ano pa. E pano kung matuluyan ka? Ano na?

Teka, bakit nga ba maraming emo?

Yung iba, nakikiuso. Yung iba naman, may family problem, yung iba broken hearted. Hahaha.

Nakakatawa no?

Hahaha.

Ang sa akin lang, kung sa tingin mo eh emo ka, e di emo ka. Hindi mo na kailangang ipangalandakan pa yun. Hindi mo na kailangang pumorma ng pormang ganun kahit di mo naman ‘carry’ dahil nga nagmumukha kang di naliligo.  Sarilinin mo na lang. Hahahahah!

Bato bato sa langit ang tamaan sana magkabukol. Hohohoh.

Tags: , ,

9 Responses to "Ang EMO"

tama ka!!!

It never makes sense when you cut you pulse or mortify yourself if the reason is just emotion. Its pure bull____ men!

Lam mu ayoko sa mga Emo(o_0)
Just be optimistic and reach your goals, wala kang (silang) mapapala sa pageemo.

counter-emo ako. you?

ciao! :)

mga emotero’t emotera. labsss…imy!

bat nga ba kase may emongs sa friendster, multiply, etc. any other networking sitess.. eh diba loner ang mga yun?
achuchu.

nga pala. bat di ko maaccess yung YourDork.Net mo? T_T

may bago na kong domain.
http://thrish.net

ang mga emo. mabuhay!

mga asungot sa mundo mga emo..
lalo n ung mga nasa friedster..hays sarap ipako sa krus!!

galng mo rin…
sma nga nmn ng emo parng d naliligo……….

EMO SUKC’z them the way they looKs amF

damn iT ! !

aww bat kia dami gagalit sa EMO?
o0)
tsk yup kaxe marame posers sa frenster*
emf .

Leave a Reply

Kumusta Ka?

Hello! Ako si Eunice. Narito ka sa isa sa mga tambayan ko sa cyber world. Salamat sa pagbisita. (: Maari mo rin akong makita dito: Click