aDORKable

Uso ba?

Posted on: July 18, 2008

Napapansin ko, marami sa mga kabataan ngayon ang in love daw. Madami akong nababasa friendster bulletin na in love daw sila, hindi daw nila alam ang gagawin at kung anu-ano pa. Bakit ba maraming ganun? Uso ba ngayon ang ma-in love?

Narito ang komento ko sa mga kalokohan nyo.

Mga iho at ineng, hindi po kayo in love o kung ano man ang tawag nyo dyan. Siguradong infatuation lang yan. O pagsintang pururut. Hahaha! Aba e, ilang taon na ba kayo? 12, 13,14, 16, 17, 18,19 aba! Pano mo masasabing in love ka na nyan. Sabi nga ni Ate Apol sakin, chicken shit lang yan. Baka magulat kayo kapag naranasan nyo ang tunay na feeling ng inlove (ayon kay ate apol). Tsk tsk. Halos pareho ang nararamdaman ng isang tao kapag infatuated o in love. Kaya nga madalas na napagkakamalang love ang infatuation.

Wag kayong papadala sa mga nararamdaman nyo. Hindi ka in love. Natatae ka lang. Tapusin nyo muna yung mga dapat nyong tapusin. Maglingkod muna kayo sa Dios. Aba, aba! Sa una lang masarap ang pagsyosyota na ean, sa huli magsasawa ka rin, maniwala ka. Lalo na kung hindi pa talaga LOVE yang nararamdaman mo. E yung mga mag-asawa nga lang di ba, nagkakasawaan din, naghihiwalay.

Tsaka isa pa, pwede kang masaktan dyan sa kalokohan na yan, at pag nasaktan ka, maari kang maging emo, at pag naging emo ka, maaring ayaw mo ng buksan ang puso mo di ba? O e pano kung dumating yung talagang para sayo? Hahahah. Isipin mo nga.

Tsaka ang MAHAL na ng bigas no! Gets mo ba?

Kaya tigilan nyo yang kalokohan na yan. Hohoh. Sarilinin nyo na lang.😉

Ok lang magkacrush. Gawin nyong inspirasyon yun. Maganda yun, pero yung syosyotain nyo na agad, sasabihin nyong in love kayo at sasaktan nyo ang sarili nyo dahil yung kinaiinlaban mo e may ibang gusto, aba e, katangahan yan. Okaay?

Wag nyong sabihing, ok lang maging tanga basta para sa taong mahal mo kuno. Wag ganun. Ang korni.

Maari nyong sabihing wala akong karapatang sabihin tong mga bagay na to, pero blog ko to at opinyon ko to. Walang kayong care. Kung gusto nyo, magcomment kayo para ipagtanggol ang mga kalokohan nyo. Hahaha.

Dati rin akong nagpopost sa bulletin ng ganyang mga kalokohan sa buhay. Isa lang masasabi ko. Pinagsisihan kong naging ganun ako katanga. Kadiri. Kadiri yung ginawa ko. Hindi ko sinasabing kadiri kayo. Yung ginawa nyo. Hohohoh. Peace tayo.

4 Responses to "Uso ba?"

ganda. naalala co si bob ong habang nagbabasa ako ng puro tagalog. hahahaha! :))

tinamaan aco dun aa. awts. pero agree ako sa phrase na eto:

Aba, aba! Sa una lang masarap ang pagsyosyota na ean, sa huli magsasawa ka rin, maniwala ka. Lalo na kung hindi pa talaga LOVE yang nararamdaman mo. E yung mga mag-asawa nga lang di ba, nagkakasawaan din, naghihiwalay.

totoo yan! kaya nga kaht ako, nag-iingat. lol.

Naku, sana mabasa ito ng mga elementary at high school ng feeling nila kanila na ang mundo.

Most of the time, yang in love in love na yan ang dahilan kung bakit sila napapariwara.

May point ka, gusto ko yung mga sinabi mo.

in love daw…

26 yrs old nako pero di ko pa rin talaga alam ang ibig sabihin ng inlove… hays

Wah natamaan ako dyan ah. 9 palang ako nainlababo na ako. Pero i wonder why di pa ako napapariwara sa buhay? I think hindi naman naapply yan sa lahat ng kabataan. May mga kabataan pa rin na kayang panindigan ang pagiging inlababo nila😛

Nyah, opinion ko lng po un. Peace~

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Kumusta Ka?

Hello! Ako si Eunice. Narito ka sa isa sa mga tambayan ko sa cyber world. Salamat sa pagbisita. (: Maari mo rin akong makita dito: Click
%d bloggers like this: