aDORKable

Gusto mong maging maganda? ( o pogi,kung lalake ka)

Posted on: July 21, 2008

Meron na bang nakapagsabi sayo na panget ka?

Teka, ibahin natin. Meron na bang nakapagsabi sayo na maganda o pogi ka?

Kung meron na, wag kang masyadong magpakasaya, baka binobolaka lang nun. Hahaha!

Pero kung wala pa, heto’t sasabihin ko sayo ang isang bagay na dapat mong malaman para maging maganda o pogi ka. Handa ka na ba?

Malaki ang nagiging epekto ng pisikal na kaanyuan ng tao sa sarili nya. Kung gaano ka kaganda ang panlabas na anyo nya, ganun din marahil katindi ang confidence nya. Kung gaano kasagwa ang itsura nya, ganoon din kababa ang tiwala nya sa sarili nya.

Aminin natin, napakatindi ng diskriminasyon sa mundong ‘to. Kaya yung mga taong hindi kagandahan eh, ganun na lang kung insultuhin ng mga”pinagpala“. Ang nangyayari tuloy, nawawalan sila ng tiwala sasarili nila. Nagiging mahiyain,loner at syempre emo. Kaya kung hindi ka “pinagpala” malamang, ganun ka.

Wag kang mag-alala, alam ko ang sikreto para maging maganda ka (o pogi.. ang kulet!)

At ang sikreto ay…

Tadaaaaa!!

Wala.

Ladies and gentlemen, brothers, sisters…brethrens? Hindi kayo nagkamali ng basa.

Totoong walang sikreto.

Ang kailangan lang, maniwala ka sa sarili mo.

Gaya nga ng sabi sa Kung Fu Panda,(panoorin nyo, maganda) para maging special ang isang bagay, kailangan mo lang magtiwala na special sya. Hindi kailangan ng kung anu-anong special ingredient.
Kagaya sa kagandahan. Para maging maganda ka, kailangan mo lang magtiwala sa sarili mo na maganda ka nga.

Hindi magkakapareho ang tingin ng mga tao. May maganda na pangit sa ilan pero may pangit na maganda naman sa iba.

Ano bang pake mo sa sasabihin ng iba sayo, basta ang alam mo, maganda ka at wala kagaya mo.

Ano, gets mo na?

So, tumingin ka sa salamin at sabihin mo “Maganda ako!”

I-condition mo na ang utak mo sa ganun. Magtiwala ka.

Wag lang over ah, baka mamaya eh, sumobra ka at kung anu-ano isipin mo. Wag kang ilusyonada. Hahahah.

Yung tama lang. Hehehe.

Yun lang (:

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Kumusta Ka?

Hello! Ako si Eunice. Narito ka sa isa sa mga tambayan ko sa cyber world. Salamat sa pagbisita. (: Maari mo rin akong makita dito: Click
%d bloggers like this: