aDORKable

Crush ko ang Crush ni Bestfriend

Posted on: July 22, 2008

Sinabi ng bestfriend mo na may crush sa isang lalake (kung lalake ka, e di babae.) Dahil isa kang tunay na kaibigan, at gusto mong mapasaya ang bestfriend mo, gagawa ka ngayon ng paraan para mapalapit yung dalawa. Kaya lang, habang gumagawa ka ng hakbang para paglapitin sila, parang may nararamdaman ka ng kakaiba. Crush mo na ang crush ni bestfriend. Patay.

Marami na akong nabasa sa mga forum na ganito ang sitwasyon. Hindi daw nila alam ang gagawin dahil mahal nila ang bestfriend nila, ayaw nilang masira ang friendship nila kaya lang yung crush ng bestfriend nila ay crush din nila.

Well, eto lang ang masasabi ko. Walang problema kung crush mo ang crush ng bestfriend mo. Walang masama dun. Crush lang naman nya di ba, hindi sila. Kung magbestfriend nga kayo, maiintindihan nya yun.

Kaya nga kayo magbestfriend dahil marami kayong bagay na pinagkakasunduan. Maraming bagay na pareho kayo. Kaya posible na pati sa lalake e magkapareho rin kayo ng gusto.

Walang masisirang friendship kung totoo nga ang friendship nyo. Pwede nyong pag-usapan kung gaano ka-cute yung crush nyo, ano nagustuhan nyo sa kanya,mga kilig encounter and all. Tsaka, walang karapatang magalit ang bestfriend mo sayo, kasi nga bestfriend ka nya. Porket ba bestfriend ka nya e wala ka ng karapatang magkacrush sa crush nya? E pano yung ibang taong may gusto sa crush nya na hindi nya naman kakilala? Magagalit ba sya dun?

Tama di ba? So wala ng problema.

E pano kung pareho kami ng crush tapos yung crush namin e sakin may gusto?

E ganun talaga e. Wala syang magagawa kung ikaw ang gusto ng gusto nya. Hahaha!

Kaya yung mga nagstart ng ganitong topic sa mga forum, wag nyo ng problemahin yan.

Ang crush, hindi dapat masyadong pinoproblema. Hindi pala dapat pinoproblema. Dapat ginagawa lang yang inspirasyon. Pampataasng grades,pampapayat etc.Hahaha. Ano kuha nyo na?

Tags: ,

1 Response to "Crush ko ang Crush ni Bestfriend"

may punto ka😀

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Kumusta Ka?

Hello! Ako si Eunice. Narito ka sa isa sa mga tambayan ko sa cyber world. Salamat sa pagbisita. (: Maari mo rin akong makita dito: Click
%d bloggers like this: