aDORKable

Hindi ko akalain

Posted on: August 29, 2008

Hindi ko lubos maisip na darating ang araw na ‘to.  Hindi sumagi sa isip ko na hahantong ang lahat sa ganito. Ang akala kong drama, ngayon nararanasan ko na. Ang akala kong biro,  totoo na pala.

Habang isinusulat ko ito, walang patid ang pagluha ng mata ko. Totoo ba ito? Pilit ko mang kumbinsihin ang sarili kong isang bangungot ang lahat ng nangyayari ngayon sa buhay ko, wala akong magawa, totoo ito. Totoong totoo.

3 days, bago ang araw na ito, masaya ang pamilya namin. Masaya kami nila mama. Niyayakap nya pa ako. Nagbibiro, nagbe-baby talk. Masigla sya. Pinagalitan nya pa nga kami kasi nag-away na naman kami ni kuya. Naiiirita talaga ako kapag sinimulan nya ang pagsesermon. Ang lakas ng boses nya. Nakakairita. Parang may pabasa ng pasyon kapag natatalak sya. Asar talaga.

Kinabukasan, Nagulat ako dahil tumawag si papa. Nasa ospital daw si mama. Pumunta daw kami dun dahil walang magbabantay. Pumunta nga ako dun. Binantayan namin si mama pero wala naman akong ibang naramdaman. Hindi ako natatakot o ano man. Normal lang. Lumabas din sya kinabukasan. Pero iba na sya. Hindi gaanong nagsasalita. Matamlay. Nanghihina. 2 araw ko na ring hindi naririnig ang malakas nyang boses. 2 araw nya na akong hindi nalalambing. Nakahiga lang sya. Nanghihina.

Eto pala  yung sinasabi nila na ‘paano kapag bumigay na sila’.

Eto na. Nangyari na.

Ang dating kinaiinisan kong malakas na boses, ang kinaaasaran kong sermon, hinahanap hanap ko na.

Gusto kong marinig uli ang boses na yun.

Nasan na? Nasan na?

Hindi ko mapigilang umiyak dahil hindi ako sanay na nakikitang ganun ang mama ko.

Natutulog si mama.Tumabi ako sa kanya habang umiiyak.

“Mama, magpagaling ka na, ha?”

Hindi sya sumasagot. Hindi ko napigilang humagulgol ng makita kong may tumulong luha sa mata nya.

Bigla syang dumilat, nagsalita.

“Manalangin tayo. Sya lang ang makakapagpagaling sa akin”

Sa puntong to, nais ko sanang hilingin sa inyo na isama ang mama ko sa mga panalangin nyo. Sana ipanalangin nyo ang mabilis na paggaling nya.

Hindi muna ako magiging aktibo sa cyberworld. Aalagaan ko muna ang mama ko.

Alam kong kakayanin namin to, sa tulong at awa ng Dios.

3 Responses to "Hindi ko akalain"

‘Wag ka magalala. Mabait ang Dios.

i’ll pray for ur mom sis..pti aqhu naiiyak hbang bnbasa t0ng post mu weh.. sna mging 0k na mom mo..mwuah

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Kumusta Ka?

Hello! Ako si Eunice. Narito ka sa isa sa mga tambayan ko sa cyber world. Salamat sa pagbisita. (: Maari mo rin akong makita dito: Click
%d bloggers like this: