aDORKable

Kagaguhan sa telebisyon

Posted on: October 23, 2008

Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa. Anak ng nanganak, andaming kagaguhan na mapapanood ngayon sa telebisyon. Aba e imbes na magpalabas sila ng mga makabuluhang palabas, yung makatotohanan e puro sila fantaserye.

Unang una, maraming scene na kabobohan. Halimbawa, may napanood ako nun sa GMA. Captain barbel ata yun. Ewan ko kung ano yun. Nakakalipad naman si CB, ang kalaban nya nakasakay sa helicopter, wala man lang sya magawa dun? hindi man lang nya sinundan. Naghintay pa sya sa baba, nakiusap na wag ilalaglag yung tao samantalang pag nilaglag naman yun e pwede syang lumipad at saluhin yun at saka nya pasabugin ang mukha nung kontrabida. E nakakabobo. Para saan ang super powers niya?  hahaha.

Teka, teka, eto seryoso na.

Sa mga fantaserye kase, maraming bata ang nakakapanood nun, tama ba? Nabubuhay tuloy sila sa mundo na fantasy din. Akala nila totoo yung mga napapanood nila. Akala nila pwede silang maging si darna. Ayun, lumunok din ng bato. Anak ng bato naman o!

Meron pa, nung kasagsagan ng mulawin, akala nila pwede silang maging taong ibon, ayun, pinagbubunot ang balahibo ng mga manok. Hahahaha.

Marami din ako nakitang mga batang bading nun kumakanta, “kapangyarihan, ng araw, taglay, ay liwanag.. SUPER TWINS!”. Ayun akala nila super hero na sila. Kumpleto props, pati singsing meron tapos nangaaway ng kalaro nila. Hahahah.

Ang punto ko lang naman e, tutal may mga batang nanonood, bakit kaya imbes na puro fantaserye ang pinagagagawa sa telebisyon e gumawa ng palabas na makatotohanan, yung totoong tao, totoong mga karakter, yung makakarelate ka. Yung pwedeng mangyari at gawin ng isang tao. Yung pwedeng gayahin ng mga bata na mabuti, na totoo. Na imbes na lumunok sila ng bato e kabutihang asal ang mapupulot nila. Ganon.


TSAKA ANG KORNI NG MGA FANTASERYE NO! :p

Nga pala, bago na ang friendster account ko. http://profiles.friendster.com/dorkisback

Advertisements

4 Responses to "Kagaguhan sa telebisyon"

Puro pera na kasi ngayon. Kapag fantaserye, ang market niyan puro bata, at mga nagpapakabata.

Aba. Tinutoo mo talagang magpost ng ganito ha. Nakakatuwa naman.

At kapusung-kapuso ha. Ang fantasy na maayos lang para sa akin ay ang Encantadia Saga. Walang kokontra. Kesa naman sa Captain barbell, at Dyesebel at ngayon etong GAGONGbino.

Namimiss ko na talaga ang mga drama. Noong unang panahon, sa primetime, puro drama. Sunud-sunod. Limang palabas na drama. May nakakatuwa. May nakakainis. Walang pantasya lang.

Pero nang mabuhay ang tungkol sa mga komiks na ina-adapt sa TV, at tungkol sa mga magical world na gustung-gusto ng mga bata, hindi na napigilan ang dalawang estasyon na yan sa paggawa ng fantasy series. Sa gma, sobrang dami na ata nilang nagawang fantasy. Mulawin, darna, captain barbell, majika, lea, encantadia (1,2,3), gagambino, dyesebel, sugo, atlantika, super twins, zaido: pulis pangkagaguhan, kamandag, joaquin bordado, tasya pantasya… hay nako. sobrang dami na. at marami pang susunod.

sana talaga maging matino naman ang mga palabas. hindi ung palaging palpak. ayoko na isa-isahin ang mga kapalpakan ng mga pantaserye na yan. nakakainit lang ng ulo.

hahahaha..nttwa nmn aq sa post m n toh..na-aalala q ung mga kagaguhan q..dti ksi malaking impluwensya ng encantadia sakin…hahaha oo maniwala k o hindi..meron aqng mga kapa tas patpat..kunwari aq si dingdong..tas ung mga ksma ko nmn may mga jolens..brilliante kuno..tas may mga sarili kming adamyan *sa sapa* lireo *sa club house* hathoria *sa bakanteng lote* sapiro *sa manggahan* db kabisado ko pa..gnyan aq ka-adik nun..bsta marami kami nun..qng baga parang sarili nming role play..nag papat patan..nag papaluan..

nttwa nga aq pag na-aalala q un eh..

y parang alam na alam mo?
khit nakakainis nanonood k??
hehehehe
tao nga naman

oo nga agree acu sa mga pinoposts mo
😀 heheh puru katarantaduhan lang yang mga
kagaguhan na yan :))

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Kumusta Ka?

Hello! Ako si Eunice. Narito ka sa isa sa mga tambayan ko sa cyber world. Salamat sa pagbisita. (: Maari mo rin akong makita dito: Click
%d bloggers like this: