aDORKable

Ang PINAKA nakakaasar na testi sa Friendster

Posted on: November 6, 2008

Alam mo ba kung ano ang pinaka nakakaasar na testi sa friendster? Ako alam ko. Gusto mo malaman kung ano? Heto’t sasabihin ko.

Ang pinaka nakakaasar, nakakabwisit, nakakabanas na testi o comment sa friendster, bukod dun sa mga tinetesti na malalaki o dambuhalang graphics e yung mga picture ng mismong nagtesti sayo.

Ibig kong sabihin, ang itetesti sayo e yung picture nila. Yung mukha nila. Pete’s sake. What the flying fudge.

Ano naman ang gagawin natin sa testi nilang yon? Anak ng lasing na kamote. Ano ba ang nasa isip nila at tinetesti nila ang mga pagmumukha nila? Para ipaaalam na may bagong picture sila? Para ipangalandakang proud na proud sila sa mga mukha nila kahit yung iba e hindi naman dapat maging proud (hahaha). Ano ba?

Nakakaasar kase. Kayo ba hindi naaasar kapag tinetestihan kayo ng ganon? Yung mga tipon picture nila na nilagyan lang ng glitters at mga puso at iba pang design tapos i-a-upload at ika-copy paste at ikocomment sayo.  Pwes ako naaasar. Hindi ko inaaprub at binubura ko sa friends list ko. Bwhahahahah.

9 Responses to "Ang PINAKA nakakaasar na testi sa Friendster"

May mga nagcocomment din sa akin using my picture. Weird. Haha

@aLps~ e baka fan mo yon hehehe.

feeling maganda/gwapo sila eh, lol.

Isa lang naman talaga solution sa mga epal na ganyan: binubura.

Pag makulit pa din, tanggalin pati sa friends list. Mga walang magawa sa buhay!

haha!!aus un para may sapaw sa popayl co? :DD

agree! lalo na yung mga pics na sobrang lake..
diretso delete.!

Basta malaking picture delete agad. Kung maliit lang tas muka nung owner yung nandun, aus lang. Ang nakaka-asar lng na testi na nattanggap ko ay ung mga feeling sikat, ssbhn “Thanks for viewing my profile” tas yung nag cocomment na thanks for adding me, kahit na siya namn tong nag add.

haha, ako rin asar. super.
ipapanalandakan pa sa buong mundo na maganda/pangit/gwapo/jologs mukha nila eh.

haha😄

agree.. nakakaasar nga yung mga ganun.. hehehe.! :))

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Kumusta Ka?

Hello! Ako si Eunice. Narito ka sa isa sa mga tambayan ko sa cyber world. Salamat sa pagbisita. (: Maari mo rin akong makita dito: Click
%d bloggers like this: