aDORKable

Alam mo ba kung ano ang pinaka nakakaasar na testi sa friendster? Ako alam ko. Gusto mo malaman kung ano? Heto’t sasabihin ko.

Ang pinaka nakakaasar, nakakabwisit, nakakabanas na testi o comment sa friendster, bukod dun sa mga tinetesti na malalaki o dambuhalang graphics e yung mga picture ng mismong nagtesti sayo.

Ibig kong sabihin, ang itetesti sayo e yung picture nila. Yung mukha nila. Pete’s sake. What the flying fudge.

Ano naman ang gagawin natin sa testi nilang yon? Anak ng lasing na kamote. Ano ba ang nasa isip nila at tinetesti nila ang mga pagmumukha nila? Para ipaaalam na may bagong picture sila? Para ipangalandakang proud na proud sila sa mga mukha nila kahit yung iba e hindi naman dapat maging proud (hahaha). Ano ba?

Nakakaasar kase. Kayo ba hindi naaasar kapag tinetestihan kayo ng ganon? Yung mga tipon picture nila na nilagyan lang ng glitters at mga puso at iba pang design tapos i-a-upload at ika-copy paste at ikocomment sayo.  Pwes ako naaasar. Hindi ko inaaprub at binubura ko sa friends list ko. Bwhahahahah.

Advertisements

Wala lang. Nai-post ko kase to sa dating blog ko. E naitabi ko. Natawa ako nung nabasa ko uli.. Herks.

O eto na.

Hindi ko alam kung bakit ko sinusulat to.
Basta.

Bakit kaya pag merong magnobyo/nobya, kailangan pa ng tawagan?
Pwede namang name lang?
Tapos yung tawagan nila puro matatamis na pagkain.

Honey– at sino ka si Pooh?
Cupcake– lemon square?
Sweetie– talaga? gano katamis?
Gummy Bears -wth?

At kung anu ano pa.

Nakakasawa ng pakinggan ee.

Bakit kaya hindi sila magtry ng panibagong tawagan?
Yung makabago.
E kung gusto talaga nila ng sweet,
Bakit kaya hindi nila i-try ang:

Asukal,
Muscovado,
Macaroons
O kaya naman, Panutsa <-peyborit

Atlis bago sa pandinig. Hindi korni pakinggan.. Makakapagpasaya ka pa ng mga tao sa paligid mo. Atlis, pag nagtawagan kayo ng ganun sa public, hindi sila makokornihan o maiinis. Matatawa sila. O diba?

Ilan pa sa mga gasgas na tawagan ay yung:

Baby -hello? hindi na bata yun noh
Darling– ahm? mag asawa?
Heart– anu konek
Mine anu patunay?
Angel– panu ka nakakasigurado. haha. anong klaseng angel? haha
Mamii/Dadii– Nanay mo sya? Tatay mo sya?

etc.

Bat kaya di nila i-try yung:

Tanda
Bruha
Isaw, Atay, Apdo
Yours,
Ninuno..

Para bago naman sa pandinig..Hindi laging yun ng yun.

Ano pa ba?

Eto pa, eto naman ang tawagan ng mga moderno, makabagong kabataan..

Pare– (guilty ako dito dahil ginamit ko to haha) Ang pagkakaalam ko, naging sikat ang tawagan na to dahil dun sa komersyal ng Sunsilk. Yung sila Drew Arellano at Happy. Si Pare. Nung naipalabas yun, nakigaya na yung mga gaya gaya. (kasama ako.)

Panget– hindi kaya nakakainsulto yun, lalo na kung talagang panget ang syota mo? Panget na nga pinagduduldulan mo pa?

Tae– (guilty na naman) baket. muka ba tae yung syota mo?

Boss- Handa ka na bang sundin lahat ng pinaguutos ng syota mo at handa ka bang ibigay lahat ng gusto nya? Ha?

Wala lang. Ang tamaan wag magagalit. Wala naman akong intensyon dito sa pagsusulat nito. Gusto ko lang ilabas yung nararamdaman ko (nakokornihan na kase ako.kase..). Tsaka maski ako naman tinamaan dito. Dahil ginamit ko rin ang ilan jan. Resulta lang to ng kalikutan ng isip ko. Wala lang.

Gaaah. [x

Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa. Anak ng nanganak, andaming kagaguhan na mapapanood ngayon sa telebisyon. Aba e imbes na magpalabas sila ng mga makabuluhang palabas, yung makatotohanan e puro sila fantaserye.

Unang una, maraming scene na kabobohan. Halimbawa, may napanood ako nun sa GMA. Captain barbel ata yun. Ewan ko kung ano yun. Nakakalipad naman si CB, ang kalaban nya nakasakay sa helicopter, wala man lang sya magawa dun? hindi man lang nya sinundan. Naghintay pa sya sa baba, nakiusap na wag ilalaglag yung tao samantalang pag nilaglag naman yun e pwede syang lumipad at saluhin yun at saka nya pasabugin ang mukha nung kontrabida. E nakakabobo. Para saan ang super powers niya?  hahaha.

Teka, teka, eto seryoso na.

Sa mga fantaserye kase, maraming bata ang nakakapanood nun, tama ba? Nabubuhay tuloy sila sa mundo na fantasy din. Akala nila totoo yung mga napapanood nila. Akala nila pwede silang maging si darna. Ayun, lumunok din ng bato. Anak ng bato naman o!

Meron pa, nung kasagsagan ng mulawin, akala nila pwede silang maging taong ibon, ayun, pinagbubunot ang balahibo ng mga manok. Hahahaha.

Marami din ako nakitang mga batang bading nun kumakanta, “kapangyarihan, ng araw, taglay, ay liwanag.. SUPER TWINS!”. Ayun akala nila super hero na sila. Kumpleto props, pati singsing meron tapos nangaaway ng kalaro nila. Hahahah.

Ang punto ko lang naman e, tutal may mga batang nanonood, bakit kaya imbes na puro fantaserye ang pinagagagawa sa telebisyon e gumawa ng palabas na makatotohanan, yung totoong tao, totoong mga karakter, yung makakarelate ka. Yung pwedeng mangyari at gawin ng isang tao. Yung pwedeng gayahin ng mga bata na mabuti, na totoo. Na imbes na lumunok sila ng bato e kabutihang asal ang mapupulot nila. Ganon.


TSAKA ANG KORNI NG MGA FANTASERYE NO! :p

Nga pala, bago na ang friendster account ko. http://profiles.friendster.com/dorkisback

Simula ng magkaron ng shoutout ang friendster, dumami ang mga matalino-kuno na mga nilalang.

Marami sa kanila ingles ang shoutout, yung iba naman tagalog. Akala mo kung sinong matatalino, kinuha lang pala ang shoutout sa pelikula, lyrics ng kanta, tula, libro at iba pa. Hahahah!

Nakakatawa kase kapag bumibisita ako sa mga friends ko sa friendster. Akala mo ang gagaling. Mga makakata. Lyrics lang pala ng kanta yung nakalagay, yung iba naman pati text quotes inilalagay. Hahaha.

Yung mga nakasulat sa glitter graphics, mga linya sa pelikula at marami pa.

Mas maganda kung magiging orihinal ang ilalagay natin dun e.Yung mismong ikaw ang nag-isip. Atlis sayo nanggaling.

Ewan. Nakakatuwa kase. Hahaha. Walang pakelamanan gusto kong pansinin yun e. Bakit ba? Hahahaha!

Hindi ko lubos maisip na darating ang araw na ‘to.  Hindi sumagi sa isip ko na hahantong ang lahat sa ganito. Ang akala kong drama, ngayon nararanasan ko na. Ang akala kong biro,  totoo na pala.

Habang isinusulat ko ito, walang patid ang pagluha ng mata ko. Totoo ba ito? Pilit ko mang kumbinsihin ang sarili kong isang bangungot ang lahat ng nangyayari ngayon sa buhay ko, wala akong magawa, totoo ito. Totoong totoo.

3 days, bago ang araw na ito, masaya ang pamilya namin. Masaya kami nila mama. Niyayakap nya pa ako. Nagbibiro, nagbe-baby talk. Masigla sya. Pinagalitan nya pa nga kami kasi nag-away na naman kami ni kuya. Naiiirita talaga ako kapag sinimulan nya ang pagsesermon. Ang lakas ng boses nya. Nakakairita. Parang may pabasa ng pasyon kapag natatalak sya. Asar talaga.

Kinabukasan, Nagulat ako dahil tumawag si papa. Nasa ospital daw si mama. Pumunta daw kami dun dahil walang magbabantay. Pumunta nga ako dun. Binantayan namin si mama pero wala naman akong ibang naramdaman. Hindi ako natatakot o ano man. Normal lang. Lumabas din sya kinabukasan. Pero iba na sya. Hindi gaanong nagsasalita. Matamlay. Nanghihina. 2 araw ko na ring hindi naririnig ang malakas nyang boses. 2 araw nya na akong hindi nalalambing. Nakahiga lang sya. Nanghihina.

Eto pala  yung sinasabi nila na ‘paano kapag bumigay na sila’.

Eto na. Nangyari na.

Ang dating kinaiinisan kong malakas na boses, ang kinaaasaran kong sermon, hinahanap hanap ko na.

Gusto kong marinig uli ang boses na yun.

Nasan na? Nasan na?

Hindi ko mapigilang umiyak dahil hindi ako sanay na nakikitang ganun ang mama ko.

Natutulog si mama.Tumabi ako sa kanya habang umiiyak.

“Mama, magpagaling ka na, ha?”

Hindi sya sumasagot. Hindi ko napigilang humagulgol ng makita kong may tumulong luha sa mata nya.

Bigla syang dumilat, nagsalita.

“Manalangin tayo. Sya lang ang makakapagpagaling sa akin”

Sa puntong to, nais ko sanang hilingin sa inyo na isama ang mama ko sa mga panalangin nyo. Sana ipanalangin nyo ang mabilis na paggaling nya.

Hindi muna ako magiging aktibo sa cyberworld. Aalagaan ko muna ang mama ko.

Alam kong kakayanin namin to, sa tulong at awa ng Dios.

Ang happy ending daw e pagka nagkatuluyan ang 2 taong nagmamahalan. At ang isang perfect na happy ending daw e, kapag sa kabila ng napakaraming hadlang e sa huli, sila nga ang nagkatuluyan. Ganon ba talaga yun? Hindi ata. Allow me to explain.

Nauso yang happy ending dahil (ata) sa mga napapanood na fairy tales at mga pelikula.  Marami tuloy kabataan ngayon ang nagmamadaling umibig dahil gusto nilang magkaron ng sarili nilang happy ending.

Sa mga naniniwala dito, at gustong magkaron nito, ang happy ending ay hindi nakukuha kapag kayong 2 ng mahal mo ang nagkatuluyan. Mayroon kasing nakalimutang ipakita sa inyo ang gumawa ng mga palabas o pelikulang yon. Alam nyo ba kung ano yon? Yun ay ang buhay ng 2 tao na yun pagkatapos na sila ay magkatuluyan.

E di ikinasal na. Talaga bang happy ending na? Hindi, di ba. Merong naghihiwalay din. Merong may kabet, merong nag-aaway parati etc. So hindi talaga happy ending. Kase kahit naging mag-asawa sila o nagkatuluyan sila, ganon parin ang kinahihinatnan. Hindi ko nilalahat ha.

Hindi ko sinasabing walang “happy ending”. Meron. Naniniwala ako dun. Pero ang happy ending e hindi nakukuha kapag nagkatuluyan kayo ng taong gusto mo.

Ang totoong happy ending e kapag napagtagumpayan mo ang buhay na to, naging dapat ka sa Dios at tumanggap ka ng pangako nya na “eternal life”. Di ba tama ako?

Yun lang.(:

Sa mga gustong mag-add sakin sa friendster eto o: http://friendster.com/21456669

Tags: ,

Ang takbo ng drama sa Pilipinas

  • Namatay na ang kontrabida, mabubuhay pa uli.
  • Nasunog na ang mukha, babalik uli sa dati, tapaos masusunog uli tapos babalik uli sa dati.
  • Paikot ikot ang istorya.
  • Masyadong OA ang kasamaan ng mga kontrabida.
  • Kapag may mga fight scene, may baril na ngang hawak, hinahabol pa, hindi na lang iputok. tsk tsk.
  • Habang kumikita, pahahabain ang istorya. Halimbawa na lang ang “Ikaw lang ang Mamahalin” na drama sa syete na umabot na ata ng halos 2 taon sa telebisyon. Anak ng teteng.

Ibang- iba ang takbo ng drama ng mga koreano sa takbo ng drama dito. Kaya wala talagang binatbat ang dramang pilipino sa dramang koreano. Nakakaumay na e. Habang kumikita, pahahabain hanggang sa abutin ng isang dekada ang drama ng pinapalabas nila. Bubuhayin yung mga dating namatay na, etsetera.

Dapat magsilbing inspirasyon sa kanila ang mga drama ng korea na patuloy na sinusubaybayan ng tao. Walang pasikot sikot. Hindi pinapahaba. Kung ano dapat mangyari, yun ang mangyayari. Kung ano ang istorya, yun talaga. Anak ng teteng na drama sa tv yan. Aish.

Kumusta Ka?

Hello! Ako si Eunice. Narito ka sa isa sa mga tambayan ko sa cyber world. Salamat sa pagbisita. (: Maari mo rin akong makita dito: Click